
Sa isang exclusive message ni Chef Boy Logro sa GMANetwork.com, kanyang ibinahagi ang mga maipapayong recipe para sa malusog na pangangatawan.
Ayon sa Idol sa Kusina, may mga pagkain siyang mairerekomenda para makakuha ng sustansya ang ating katawan.
Saad ni Chef Boy puwede ring tikman ang kanyang easy recipe gamit ang mga gulay.
"Sa lahat ng mga Pilipino ang maipapayo ko ay magluto ng masustansyang [pagkain]. Ito ay katulad ng mga halabos na mga gulay, talbos ng kamote, alugbati, okra, talong, at lagyan ng lemonade dressing top with chunk of half ripe mangoes."
Sa Idol sa Kusina, may recipes rin si Chef Boy na healthy na, madali pa ninyong masusundan.
Vietnamese Pho
Kinulob na manok
Tuna Piaparan
Escabecheng Talakitok
Sweet potato pancakes with fruits
Abangan ang iba pang masasarap na recipes ng Idol sa Kusina tuwing Linggo, 6:55 pm sa GMA News TV.
EXCLUSIVE: Chef Boy Logro, nananatiling maingat sa gitna ng COVID-19 crisis