What's Hot

Chef Boy Logro tells how his life changed in 'Idol sa Kusina'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 12:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Kapuso celebrity chef Pablo "Boy" Logro is at the peak of his showbiz career. Recently, he celebrated the third year anniversary of 'Idol sa Kusina.' How did his star-studded cooking show change the course of his life? 
By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Sa ikatlong taon ng 'Idol sa Kusina', nagbahagi si Chef Boy Logro ng kanyang mga natutunan bilang isang celebrity chef. Nariyan ang kanyang achievements at mga lessons na patuloy niyang ibinabahagi sa kanyang mga manonood.

Pahayag ni Chef Boy, masaya siya dahil naging huwaran siya ng mga kabataan.“Sa three years na 'yan, natutuwa ako na dito sa Pilipinas at lalo na sa kabataan. HRM, ginagawa nilang exam. Some other schools ginagawa rin nilang exam ang show ko.”

Ibinahagi rin ni Chef Boy na sa tatlong taon niya sa Idol sa Kusina, wala umano siyang favorite dish. Ito ay dahil ang bawat dish na kanyang ibinabahagi ay espesyal para sa kanya.

“Lahat ng ginagawa ko masarap kasi kung gumagawa ako straight from the heart, mula sa sarili kong recipe so noong lumabas na yung luto ko, that means I can create, I am a great chef,” bibong kuwento ni Chef Boy.

Dahil nga tatlong taon na si Chef Boy, sumikat na siya bilang isang Kapuso celebrity chef. Ngunit para kay Chef Boy, siya pa rin ang dating Pablo Logro na lumaki sa hirap dahil naniniwala siya na kapag sikat na ang isang tao, mas dapat itong magpakumbaba.

Saad niya, “Kapag sumisikat ka na dapat ay ganoon pa rin. Wala akong PA, tagabitbit, ayaw ko e. Galing ako ng hirap. Kasi kapag ginawa ko 'yun may taga hawak ng cellphone, taga hawak ng tubig parang hindi na ako normal. Kasi sanay akong magtrabaho.”

Dagdag ni Chef Boy, “Kinakailangan lahat ng pinanggalingan mo, alalahanin mo.”