
Ibinahagi ni celebrity chef at Sparkle artist Jose Sarasola ang naranasan niyang “retinal tear” sa kaliwang mata kamakailan kung saan kinailangan niya ng surgery para dito.
Sa isang panayam ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Chef Jose na sumailalim siya sa eye surgery noong Mayo dahil sa “retinal tear.”
“Recently, I had a setback in my life. I tore my retina in my left eye, but] nothing to do with taping or any sporting event, HYROX, or basketball. Retina tears usually happen naman, but usually in the latter part of your life. But mine sadly happened at my age now, 39. Medyo maaga siyang nangyari,” kuwento ni Chef Jose.
Ayon sa chef-actor ay healing at recovering siya mula dito simula noong June. Aminado siyang naging mahirap para sa kanya ang naging one-month downtime, lalo na at very active person siya.
Bukod sa kailangan niya munang magpahinga sa gym at basketball ay nag-pause rin siya sa taping ng GMA family sports drama series na Kamao noong mga panahon na nagpapagaling siya.
Kuwento ni Chef Jose ay bata pa lang ay mayroon na siyang “bad eyes” dahil noong five years old siya ay nagkaroon siya ng congenital cataracts. Sumailalim din siya sa LASIK surgery noong 2009.
“Basically, a lot of wear and tear ng mata, which led to the tear. It was hard because blurred 'yung left eye ko, but luckily my doctor was a very good retina expert and na-repair naman 'yung eye ko,” paliwanag ni Chef Jose.
“Thankfully, thanking God pa rin. It could have been worse, but I'm glad that I'm in a situation now of getting better,” dagdag ni Chef Jose.
RELATED GALLERY: Chef Jose Sarasola shares highlights of recent Hyrox race