
Ikinuwento ni chef Jose Sarasola na mag-iisang taon na silang hindi nagkikita ng kanyang girlfriend na si Maria Ozawa. Si Maria ay isang Japanese actress at entrepreneur.
Nagbahagi si chef Jose ng kuwento ng kanyang long-distance relationship sa ginanap na online presscon ng kanyang bagong cooking show kasama si Iya Villania na Eat Well. Live Well. Stay Well. nitong January 7.
Saad ni si chef Jose, “She left around April. Almost one year already this April.”
Photo source: @chefjosesarasola
Inamin ng celebrity chef na mahirap ang long-distance relationship pero napagdesisyunan nila ito para matutukan ni Maria ang kanyang negosyo sa Japan.
“It's hard pero we decided that because 'yung bars niya dito sa Manila nag-close for the meantime dahil sa pandemic.”
“She still owns a bar in Shinjuku sa Tokyo which she owns with her friend and is still operating. Mga Japanese they love to work so she decided to go home last April.”
Kuwento ni chef Jose ay lagi silang nag-uusap ni Maria kahit sila ay magkalayo.
“We still communicate every day naman and update each other about our work.
Na-excite umano si Maria nang malaman niyang ang cooking show ni Chef Jose ay para sa sikat na Japanese brand.
“She's really excited because 'yung Ajinomoto is a really big brand in Japan... She's looking forward to seeing clips of the show.”
Ngayong pansamantalang magkahiwalay sina chef Jose at Maria, nagluluto lang umano ang celebrity chef para sa kanyang sarili. Aniya, “I just cook for myself. I usually have to like two to three meals a day, but it's very light.
Dagdag pa niya, “Sa morning, it's easy, I'll have eggs, oats, medyo healthy, fruits. Then I'll have late lunch at 2 o'clock. Whatever I have in the fridge, any vegetable. Tofu is my new thing now.After my late lunch, I just work out. Then sa evening parang light salad na lang. Wala e, there's really no one to cook for because right now she's in Japan. Wala siya dito. I'm living alone lang.”
Kahit mag-isa lang si Chef Jose ay naniniwala siyang maganda pa rin na maghanda ng masasarap at healthy na mga pagkain.
“It's really gratifying cooking for yourself... I still want to emphasize having a good meal. Kasi you eat three to four times a day so might as well make your meal a good one.”
Subaybayan si chef Jose sa bagong cooking show ng GMA Network at Ajinomoto Philippines Corporation na Eat Well. Live Well. Stay Well. Mapapanood si chef Jose bilang Chef Cuz at makakasama niya si Iya Villania bilang si Mamazing.
Ang 10-minute cooking show nina chef Jose at Iya ay mapapanood tuwing Biyernes, 11:20 a.m. sa GMA Network.
Tingnan ang mga sweet na larawan nina chef Jose at Maria sa gallery na ito: