GMA Logo Susan Enriquez and Chef JR Royol
What's on TV

Chef JR Royol, bibisita sa farm ni Susan Enriquez sa 'Farm to Table'

By Maine Aquino
Published March 13, 2026 1:23 PM PHT
Updated June 26, 2026 2:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE – PBBM leads launch of DBM COMPASS, endorses PFM Reforms Roadmap update - Replay | GMA News
OFW lounge opens at Mactan-Cebu International Airport
Tacloban school shooting: Why gun owners may bear moral, legal responsibility

Article Inside Page


Showbiz News

Susan Enriquez and Chef JR Royol


Abangan ang tour sa farm ni Susan Enriquez ngayong June 27 at 28 sa 'Farm to Table.'

Exciting Sunday food adventure ang aabangan ngayong June 27 at 28 sa Farm to Table dahil bibisita si Chef JR Royol sa farm ng award-winning Unang Hirit host, journalist, and news reporter na si Susan Enriquez.

Tampok sa Farm to Table ang Balustre Cerca ni Susan na matatagpuan sa Cavite.

Ipapasyal ni Susan si Chef JR sa kaniyang farm para ipakita ang mga prutas, gulay, at iba't ibang halaman. Magbabahagi rin siya ng ilan sa kaniyang kuwento tungkol sa personal na buhay, pagtatanim, at ang pag-aani ng sariling pagkain.

Gamit ang mga bagong pitas na sangkap mula sa Balustre Cerca, maghahanda si Chef JR ng Crispy Chicken with Malunggay Sauce and Papaya Slaw. Samantala, magluluto naman si Susan ng kanyang Ampalaya with Biscocho na natutunan niya mula sa kanyang ina.

Ang assistant manager naman ng Balustre Cerca na si Ate Lora ang magluluto ng Ginataang Talbos ng Balinghoy, isang Bicolano dish na namana niya mula sa kanyang ama.

Sabay-sabay nilang titikman ang kanilang mga inihanda habang ipinagdiriwang ang mahabang pagsasama nina Susan at Ate Lora sa trabaho pati sa buhay.

Abangan ang food adventure na ito sa Farm to Table ngayong ngayong Sabado (June 27), 4:45 PM sa GMA, at sa Linggo (June 28), 7:00 PM sa GTV.

Mapapanood din ang Farm to Table online via Farm to Table Facebook page, at sa GMA Network at ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube channels.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Behind-the-scenes on the set of 'Farm to Table'