GMA Logo Chef JR Royol
What's on TV

Chef JR Royol, binalikan ang kaniyang trabaho sa isang farm

By Maine Aquino
Published March 23, 2021 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: San Beda aims to close out Letran in Game 2 without Janti Miller
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak
Pop-up selling diamonds, gemstones opens in time for Christmas gift-shopping rush

Article Inside Page


Showbiz News

Chef JR Royol


Alamin kung bakit puno ng pasasalamat si Chef JR Royol sa 'Farm To Table.'

Ang Farm To Table food explorer na si Chef JR Royol ay nagbahagi ng kaniyang naging experience sa isang farm.

Kuwento ni Chef JR, nagtrabaho siya sa farm noong taong 2000 kasama ang kaniyang ama. Inamin pa ni Chef JR na ang kaniyang kinikita noon ay PhP 160 kada araw.

"Nag-umpisa akong magtrabaho noong taong 2000, sideline ng paggapas at pagtanim ng palay. 160 pesos per day. Sumasabit din kami ni erpats ng pag te-thresher. Marami at malalim ang mga alaala."

Chef JR Royol

Photo source: jrroyol (IG)

Sa kaniyang Instagram post ay nagpapasalamat si Chef JR sa Farm To Table dahil nababalikan niya ang kaniyang pinagmulan at saad pa niya, nakikita niya ang halaga nito ngayon.

"Kaya malaking pasalamat ko sa show na ito dahil nababalikan ko ang mga nakaraan ng may mas malalim na pagpapahalaga."

Sa pamamasyal ni Chef JR sa isang farm sa Sta. Maria, Bulacan nitong March 21, ibinahagi niya ang ilan sa kaniyang kaalaman sa pagme-maintain ng isang farm.

Ibinahagi rin ni Chef JR ang paraan para walang masayang na ingredients kapag nagluluto. Meron ding paraan para maging sustainable ang isang farm na napanood sa Farm To Table.

Sa isang parte ng programa ay inamin ni Chef JR ang perks ng pag-iikot sa isang farm.

"This is one of the perks of working on site; may ganito kang backdrop may ganito kang background music, nakaka-inspire."

Panoorin ang episode ng Farm To Table sa video.

Farm To Table: How to take care of the 'Rhode Island Red' chicken breed

Farm To Table: How to manually milk a cow in a dairy farm