
Napabilib si Chef JR Royol sa mga naganap sa Kitchen Bida sa Sarap, 'Di Ba?
Si Chef JR ang kitchen expert na nakasama nina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi sa pagtikim ng mga inihanda ng dalawang pares na sina Pekto as Cookie and Mhyca Bautista at sina John Feir as Belly and Jholan Veluz.
Ang secret bida ingredient noong Sabado, July 1 at kanilang gagawan ng kani-kanilang twist ay ang kambing.
Sina Cookie at Mhyca ay naghanda ng classic na Kalderetang Kambing. Samantala sina Belly and Jholan ay ginulat naman sila sa inihandang Rock the Goat dish.
Abangan ang susunod na Kitchen Bida at pagkakataong manalo sa Sarap Manalo Promo ng Sarap 'Di Ba? sa Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.