
Last April 4, ibinahagi ni Chef JR Royol ang isa sa kaniyang mga signature dishes sa Farm To Table.
Napanood nitong Linggo ang kanyang recipe para sa Tapang Barako, pati na rin ang kuwento kung paano niya ito nabuo.
Ayon kay Chef JR, nagsimula ito sa pag-inom niya ng kape.
"I came up with this dish kasi I was drinking bullet coffee one day. 'Yung bullet coffee po is 'yung kapeng may butter."
Sa kanyang pagkakape ay nakaisip siya na gawin itong panghalo sa pagkain.
"I figured na parang puwede ito sa savory dish and then I looked it up, turns out mayroon ngang coffee butter na pinangpi-flavor nila."
Photo source: Farm To Table
Dugtong pa ng Kapuso chef, nais niya rin i-highlight ang local ingredients tulad ng kapeng barako.
"And I always wanted to highlight din kasi nga yung local ingredients natin."
Tingnan ang Tapang Barako ni Chef JR sa video sa taas.
Tingnan naman ang iba pang dishes na inihanda ni Chef JR sa Farm To Table:
Farm To Table: Salt and Pepper Spare Ribs with a new local flavor
Farm To Table: How to make Vanilla Panna Cotta in one minute
Get to know Chef JR in this gallery: