
Kinilig ang mga manonood sa chemistry nina Faith Da Silva at Dustin Yu sa Sarap, 'Di Ba?
Sa episode last January 21 (Saturday), napanood ang Chinese New Year episode ng Sarap, 'Di Ba? Ipinakita rin ang inihandang dating game ni Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi at dito nag-match sina Faith at Dustin.
Kasama rin nila sa masayang episode na ito ng Sarap, 'Di Ba? sina Jelai Andres at Pepita Curtis.
Bukod sa masaya at nakakakilig na dating game ay may dish pang inihanda si Carmina para sa kanilang mga bisita. Ito ay ang Misua Soup.
Patuloy lamang na sumubaybay sa masayang umagang hatid ng Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa Kapuso stream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel.
Huwag na huwag rin palalampasin ang exciting na Sarap, 'Di Ba? 5K Giveaway!