
Tampok sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino sa pilot episode ng TV adaptation ng Barangay Love Stories noong Sabado, September 12.
Sa official Facebook page ng Barangay Love Stories, hindi napigilan ng viewers na kiligin sa nag-uumapaw na chemistry nina Shuvee at Anthony sa kanilang episode.
Bumida sina Shuvee at Anthony sa isang kuwento ng office romance, kung saan boss ni Shuvee si Anthony. Ipinakita sa kanilang episode ang kapangyarihan ng destiny, dahil itinuturing na bawal ang kanilang pag-iibigan dahil sa magkaiba nilang status sa buhay.
Narito ang ilang reaksyon ng viewers kina Shuvee at Anthony:
Mapapanood naman sa susunod na episode sina Sofia Pablo at Iñigo Jose na tatalakay sa kuwentong magkasintahan na paghihiwalayin dahil sa nasirang tiwala.
Abangan ang iba't ibang kuwento ng pag-ibig sa Barangay Love Stories tuwing Sabado, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
Panoorin dito ang full pilot episode ng Barangay Love Stories:
RELATED GALLERY: Papa Dudut promises more heartfelt stories on 'Barangay Love Stories' TV adaptation