
Puring-puri ng veteran actress na si Cherie Gil ang kanyang Onanay co-star na si Adrian Alandy.
Ayon sa kanyang Instagram post, bago pa ang serye ay marami na silang pinagsamahang proyekto kaya mabilis niya itong nakagaanan ng loob.
"I always felt comfortable with him. [He's] a serious and earnest actor, and most of all, a well-bred gentleman." paglalarawan ng Primera Kontrabida sa hunk aktor.
Gagampanan ni Cherie ang karakter ni Helena, ang ina ni Elvin na bibigyang-buhay ni Adrian at lola ni Natalie na gagampanan naman ni Kate Valdez.
Aniya, first time niyang gagampanan ang role bilang lola at maski sa totoong buhay ay wala pa siyang apo. "That's what the world of make-believe teleseryes are all about. We ACT." pahayag niya.
Abangan si Cherie sa Onanay, mamayang gabi na pagkatapos ng Victor Magtanggol.