
Sunod-sunod ang dagok na dumating sa kaniyang buhay--bukod sa pagtitiis sa kalupitan ng amo, binawian pa ng buhay ang kaniyang asawa sa gitna ng kaguluhan sa kanilang barangay. At ngayon, ang biyudang si Charo (Cherry Pie Picache), muling haharap sa panibagong bangungot… nang bigla siyang sugurin ng malditang amo na si Gloria para angkinin ang anak na bunga ng kaniyang pang-aabuso.
Paano malalampasan ni Charo ang lahat ng ito?
Sa ika-walong anibersaryo ng Tadhana, huwag palampasin ang espesyal na handog, Tadhana: Banta ng Kahapon ngayong Sabado, August 23, 3:15 PM sa GMA-7 at sa livestream ng GMA Public Affairs sa Facebook at YouTube!