
Itinuturing ni Sparkle actress Cheska Fausto na isang “dream come true” para sa kanya kung mabibigyan ng oportunidad na makatrabaho at maging leading man si Asia's Multimedia Star Alden Richards.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Cheska, ibinahagi ng aktres na hinahangaan niya ang Start Up PH lead star dahil sa pagiging totoo at dedikado nito sa kanyang trabaho.
“Super hinahangaan ko talaga si Sir Alden Richards kasi napaka-genuine niyang tao and talagang napaka-dedicated siya sa trabaho niya, sa ginagawa niya, and iniidolo ko talaga siya. Working with him would be a dream come true,” aniya.
Ang pagiging bida naman sa isang rom-com o rom-com na mayroong action na teleserye ay ang dream project ni Cheska sa GMA.
Matatandaan na isa ang aktres sa bagong youth-oriented group na Sparkada, na ipinakilala noong Abril. Sa kabila ng pagiging newbie ng aktres, ay marami nang magandang experiences si Cheska bilang isang Kapuso artist.
Kuwento niya, “I've been a Kapuso for less than a year pa lang and sobrang dami ng nangyaring magaganda and I will always treasure it forever such as 'yung mga AOS performance, rehearsals, and, of course, 'yung mga teleseryes na naging part na ako."
Samantala, kabilang si Cheska sa upcoming kilig series na Luv Is: Caught in His Arms, na pinagbibidahan nina Sparkle sweethearts Sofia Pablo at Allen Ansay.
Mapapanood din sa nasabing serye ang ilang Sparkada members na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS SA GALLERY NA ITO.