
Aliw na aliw ang mga longtime audience at new fans ng award-winning gag show na Bubble Gang dahil sa dami ng comedy material na inspired sa mga nagaganap na political events sa bansa.
Marami sa mga sketch ng Kapuso gag show ang nagti-trending at nagva-viral dahil binibigyan nito ng funny twist ang ilan sa mga tensyonadong eksena sa pagitan ng mga government official.
Kaya naman pinuri ni Cheska Fausto ang creative team ng Bubble Gang dahil sa kanilang bilis na makakuha ng inspirasyon at makabuo ng mga materyal tuwing may pumuputok na political o social issue.
Kuwento niya sa GMANetwork.com, “Sobrang creative talaga ng mga writers at ang bilis nga nila. They are so quick-witted. Agad, the next taping day, may script na 'yan agad. So, parang a couple of days pa lang trending 'yung isang political issue o 'yung mga nangyayari, social issues.
“Agad 'yan! The next taping day, next week, diretso. So, parang kami, natutuwa. Like, paano n'yo pa 'yan nagagawa? Kasi, aminin naman natin, I mean, there are some artists sa Bubble Gang that really write. Pero gaya ko, I don't write pa naman. Wala pa naman ako sa level na 'yon, maybe in the future.
“Nagugulat kami kasi agad, nandiyan na, at nakakatawa talaga siya. And we're very happy with our Ka-Bubble and, of course, mga Kapuso natin because they take it so lightly.”
Masaya rin si Cheska na kahit paano ay napapagaan nila sa Bubble Gang ang mga masyadong seryosong sitwasyon. Naniniwala rin siya sa slogan ng GMA Comedy na “More Tawa, More Saya.”
“And talagang they relate to it. I guess because that's what is really happening right now. And instead of making it sobrang seryoso, 'di ba, we're just happy na we are bringing a bit of light into a serious topic or situation. Sometimes, we just need a little laugh—More Tawa, More Saya.”
Abangan ang all-new episode ng Bubble Gang tuwing Linggo, 6:15 p.m., sa GMA Network.
RELATED CONTENT: Stunning looks of Cheska Fausto that prove her face card never declines