
Naghatid ng saya ang Hating Kapatid stars sa Kapuso fans sa Lingayen, Pangasinan kamakailan para sa Kapuso Fiesta ng GMA Regional TV.
Ibinahagi ng Sparkle star na si Cheska Fausto, na bumibida bilang Thalia, ang ilang larawan kasama ang kanyang Hating Kapatid co-stars na sina Cassy Legaspi, Vince Maristela, at Vanessa Pena sa naturang event.
"That one night in Pangasinan with the #HatingKapatid cast," sulat niya sa caption.
Bukod dito, in-upload din ng GMA Regional TV sa Instagram ang naging performances ng Hating Kapatid cast sa naganap na Kapuso Fiesta.
Samantala, subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.