
May bagong guest sa hit GMA afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Siya si Chichi Dela Cruz, isang content creator.
Sa recent episode ng serye, napanood na ang ilang mga eksena ni Chichi na labis na ikinatuwa at ikinagulat ng viewers at netizens.
Naka-eksena na niya ang veteran actress na si Dexter Doria na napapanood bilang si Tyang Susan at ang comedienne-actress na si Wilma Doesnt, na kilala naman bilang si Josa.
Sa Facebook, mapapanood ang latest vlog ni Chichi, kung saan ibinahagi niya ang kaniyang experiences sa kaniyang unang taping day para sa serye.
Parte ng kaniyang vlog ang clips, kung saan mapapanood ang pagdating niya sa GMA hanggang sa makarating na siya sa set ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Kasalukuyang pinag-uusapan sa social media ang pagpasok niya bilang isa sa cast members ng programa.
Matatandaan na si Chichi ang isa sa winners sa #AbotKamayNaAuditions.
Panoorin sa ibaba ang ilang eksenang dapat abangan sa Abot-Kamay Na Pangarap live today, April 10, 2024: