
Nagdurugo ang puso ng fur parent na si Chie Filomeno nang ibinahagi niya sa isang Instagram Story na pumanaw na ang kaniyang pet dog na si Loki.
Masakit para sa former GirlTrends member ang pagkamatay ng kaniyang aso at bilang pag-aalala dito ay nag-share ng ilang larawan ni Loki online.
Mensahe ni Chie sa kaniyang goofy boy, “Thank you for all the love, joy, and loyalty you gave us.”
Pagpapatuloy ng aktres, “You have fought a good fight our brave boy. Rest easy, our Loki bear. Say hi to Marty for us. We hope you both get endless treats and balls up there. We love you boys so much.”
Ilang taga-showbiz din ang nawalan ng fur baby ngayong taon, tulad ng pamilya ni Megastar Sharon Cuneta na miss na miss ang ShihTzu na si Grandpa.
Namaalam din ang former Bubble Gang babe na si Kim Domingo sa aso niya na si Koleen.
RELATED CONTENT: Celebrities' pets that have crossed the rainbow bridge