
Isang masaya at puno ng good vibes na birthday celebration ang sumalubong sa madlang Kapuso sa noontime program na It's Showtime!
Nitong Miyerkules (January 15), masayang nakikanta ang mga host at audience sa performance ng birthday girl na si Imogen Cantong.
Bilang espesyal na regalo sa kanyang kaarawan, ibinahagi ni Imogen ang kanyang bagong naka-LSS na kanta, "Kokobom."
Labis ang kasiyahan ni Imogen at puno ng enerhiya sa pagbati sa madlang audience. Puno rin ng pasasalamat si Imogen na nabigyan siya ng pagkakataon na i-celebrate ang kanyang espesyal na araw kasama ang kanyang loyal ImogeNation fans at ang It's Showtime family.
"Sobrang happy po ako kasi po marami pong naglo-love sa akin," reaksyon ni Imogen sa mainit na pagtanggap sa kanya ng fans.
Nagbigay din siya ng birthday wish para sa lahat, na sana'y mas malusog at masaya ang lahat ngayong 2025.
"Ang wish ko po sa ngayon po na wala pong magkakasakit, healthy life po, tapos po good grades po," hiling niya.
Nagbigay rin ng birthday wishes ang kanyang mga magulang, sina Kaye at Rey Cantong mula sa Six Part Invention.
"Ang wish ay mas maging mabuting bata lamang siya. Maging marunong siya makisama dito sa trabaho at sa labas ng It's Showtime," emosyonal na sinabi ng kanyang nanay. "We're so proud of you anak, we love you! "
Dagdag naman ng kanyang tatay, " Ang masasabi ko lang ay thank you na lang. I wanna thank you Imogen kasi nga napakabait na bata at hindi nagrereklamo. Imagine 5:30 ng umaga, gumigising 'yan para pumasok. Ta's minsan dumideretso iyan sa It's Showtime. So hindi siya mareklamo tapos hindi nawawala energy niya, napakagaling makisama sa mga classmates (at) sa mga tao. Love you, Nak!"
Masayang nagwakas ang espesyal na selebrasyon ni Imogen nang sabay niyang binlow ang kanyang birthday cake kasama ang madlang people.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Balikan ang birthday celebration ni Imogen sa It's Showtime, dito: