What's Hot

Chinese fantasy series na 'Crimson Girl,' muling mapapanood sa GMA News TV

Published October 10, 2018 12:12 PM PHT
Updated October 10, 2018 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News



Muling mapapanood ang 'Crimson Girl' simula October 14 sa GMA News TV.

Buong buhay ni Bella Nie (Li Yi Tong), naniniwala siyang pangkaraniwang tao lang siya.

Magbabago ito nang mapalabas ng isang scientist ang kanyang tunay na anyo bilang isang halimaw!

Inilihim kasi sa kanya ng kanyang ama na isang halimaw pala ang kanyang ina.

Namatay ang kanyang ina sa labanan ng mga halimaw at tao kaya itinago siya ng kanyang ama at pinalaki bilang isang tao.

Ngayong alam na ni Bella ang katotohanan, magkakaroon siya ng pagkakataon na maging reyna ng mga halimaw. Kukunin kaya niya ito?

Panoorin ang Crimson Girl, 11:00 pm tuwing Sabado at 11:30 pm tuwing Linggo, simula October 14 sa GMA News TV.