GMA Logo
Celebrity Life

Chito Miranda at Neri Naig, napaaway dahil sa kalamansi

By Aedrianne Acar
Published January 20, 2020 11:54 AM PHT
Updated January 21, 2020 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi napigilang sagutin nina Chito Miranda at Neri Naig ang komento ng isang netizen sa IG post ni Neri tungkol sa na-harvest nilang kalamansi sa Alfonso, Cavite.

Isa sa madalas na putaktahin ng bashers ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig.

Kamakailan lang, hindi napigilan ng showbiz couple na sagutin ang naging komento ng isa sa mga ito sa IG post ni Neri tungkol sa mga na-harvest nilang kalamansi sa farm nila sa Alfonso, Cavite.

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Chito Miranda warns the public about his fake Twitter account

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Comment ng netizen na si @thessagonzaga sa IG post ni Neri, “Okay so ikaw naman. Ba't 'di mo na lang ipamigay 'yung extra.”

Agad namang tumugon si Neri sa comment ng netizen at sinabing, “Pinagsasabi mo?”

Nag-react din si Chito sa post ng basher at may iniwang tanong para sa kanya.

Aniya, “Pls read your 1st comment and tell me if you honestly think it wasn't rude. Do you think you were being sensitive po? Question lang 'yan ha? 'Di ako nakikipag-away po.”

Pinayuhan naman ni Neri ang kanyang asawa na huwag nang pansinin ang basher dahil lahat ng kanyang posts ay ginagawan nito ng isyu at iniisip niyang nagyayabang si Neri.

Hindi pa natapos dito ang palitan ng mensahe dahil isang netizen pa ang nakisali at sinabihan si Neri na nagmamaldita.

Basahin ang naging tugon ng mag-asawang Miranda sa paratang ng basher.