
"Supermom."
Ito ang tawag ni Chito Miranda sa kaniyang asawa na si Neri Miranda ngayong Mother's Day.
Ayon kay Chito, hindi niya maintindihan kung paano nababalanse ni Neri ang kaniyang oras sa pagiging nanay habang nag-aaral, nagtatrabaho, at nag-aasikaso ng kanilang mga negosyo.
Photo source: chitomirandajr
"I don't know how you do it. I mean, I could see you, first hand, doing everything that you do in front of me, but it still baffles me kung paano mo nagagawa lahat yun. Kumbaga sa magic trick, kahit kasama kita, at nandun ako backstage, hindi ko pa rin alam kung paano mo ginagawa yung lahat ng ginagawa mo. Sobrang nakalabilib lang," saad niya.
Kuwento pa ni Chito, hanga siya sa kakayahan ni Neri.
"Ang galing eh: inaalagaan at inaasikaso mo kami, including me and Ninang✌🏼😅, our house, our farm, yung mga businesses natin, yung mga negosyo mo, mga hosting jobs, guestings, at endorsements, tapos tumutulong ka pa sa community (kahit sa mga taong 'di mo kilala), tapos may time ka pa mag-aral ng languages online, manood ng series, at magbasa ng mga libro."
Dugtong pa niya, "Parang bang higit sa 24hrs ang oras mo kada araw."
Nakaka-proud din para kay Chito ang paglalaan ng oras ni Neri para sa pag-aaral. Paliwanag niya, "After completing an online business course sa Harvard, nagkapag-graduate ka pa ng Business Administration sa University of Baguio.
Ayon din kay Chito, isang inspirasyon ang kaniyang asawa sa mga kapwa niya nanay.
"You are truly amazing, Ms.Neri...and ang maganda dun, maraming kang na-i-inspire na mga moms like you, to break through their limitations, to follow, pursue, and focus on their goals and dreams, to be more than what they think they could be, and to achieve more than they could imagine.
Pagbati naman ni Chito kay Neri, "You are a blessing to everyone, mahal ko. Happy Mother's Day.❤️"
Silipin ang rest house nina Neri at Chito sa gallery na ito: