GMA Logo Chito Miranda
What's Hot

Chito Miranda, binalikan ang balita ng kaniyang 'pagkawala' noong 2010

By Maine Aquino
Published April 5, 2021 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Chito Miranda


Ibinahagi ni Chito Miranda ang nangyari nang inakala ng kaniyang pamilya at mga kaibigan na siya ay nawawala noong 2010.

Ikinuwento ni Chito Miranda ang istorya nang inakalang nawala siya noong 2010.

Ito ay kaniyang nilinaw sa kaniyang Instagram post kung saan isinama niya pa ang naisulat na balita tungkol sa pangyayaring ito.

Ayon sa balita, inakala ng mga kaibigan ni Chito na sina Angel Locsin, Bubbles Paraiso, Bianca King, Paolo Paraiso, Ehra Madrigal, Saab at Maxene Magalona na nawawala ito. Ayon sa ulat, nagpatulong pa ang mga ito sa Twitter para mahanap si Chito.

Sa post ni Chito ay ipinaliwanag niya ang mga nangyari sa araw na yun. Ayon sa kaniya tumakas siya para makasama ang asawa na niya ngayon na si Neri Naig.

"Throwback nung nawala ako sandali.✌🏼😅 Eto yung time na tumakas kami ni Neri sa Tagaytay.🤟🏼😁"

Kuwento ni Chito, may nagpadala ng balitang ito kay Angel at ibinahagi sa kanilang grupo. 'Tsaka niya ipinaliwanag ang buong kuwento sa araw na yun.

"Eto yung buong kwento. Magkakasama kami nila Bubbs and Paolo sa bahay nila sa Qc, kasama si Neil. Tapos nag-decide ako umalis at sunduin si Neri para mag-breakfast at salubungin ang sunrise sa Tagaytay.

"Umalis ako ng walang paalam kasi busy sila Pao and Neil mag-NBA Live. Si Bubbs naman tulog na yata."

Tuloy ni Chito ay sinundo niya si Neri para makasama sa breakfast sa Tagaytay.

Photo source: @chitomirandajr

"Sinundo ko si Neri, at umakyat kami sa Tagaytay para mag-breakfast. Dun ko lang napansin na coding pala ako. #StyleBulok So ang ginawa namin, tumambay na lang kami buong araw sa Tagaytay para magpalipas ng coding."

Inakala ng lahat na nawawala noon si Chito dahil sa naubusan sila pareho ng baterya ni Neri sa kanilang mga cellphones.

"Parehong nawalan ng batirya yung mga cellphones namin, at pareho din kaming walang charger...pero pareho din kaming walang paki kasi magkasama naman kami haha!"

Nang makauwi si Chito ay galit ang sumalubong sa kaniya. Saad nito, "Pag-uwi ko sa bahay before midnight, galit akong sinalubong ng kuya ko sa gate. Sumigaw sya para ipaalam sa family ko na nandun na ko.

"Sabi nya "Nandito sa si Chito!!!...si Chito Miranda.""

Nag-send rin ng message si Chito kay Neil at saka niya napag-alaman na naka-report na siya sa mga pulis.

"Nag-message din ako agad kay Neil: sabi ko, "Saan gimik?"... at dun ko lang nalaman na hinahanap na pala ako ng pamilya't mga kaibigan ko. Naka-report na pala ako sa pulis!"

Kuwento ni Chito, pati si Kaye Abad ay nagpanic rin sa pagkawala ni Chito. Dugtong pa ni Chito ay wala na sila ni Kaye nang nangyari ito.

"Hinanap din ako ni Pao kay Kaye, na sya namang nag-aalalang tumawag sa pamilya ko, na sya rin namang nag-panic!✌🏼😅 (nililinaw ko lang ulit ha - para sa mga di nagbasa ng article: Hindi na po kami ni Kaye nyan! Sobrang mag-tropa lang talaga kami kahit nung hindi na kami at close talaga sya sa family ko hanggang ngayon)"

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

Sa huli ay natatawa na lang si Chito sa mga pangyayari. Saad pa niya ay natawa rin siya dahil sa litrato ni Angel ang ginamit sa balita tungkol sa kaniyang pagkawala.

"Anyway, nakakatawa lang."

"Mas lalo na yung fact na tungkol sa akin yung article pero pic ni Gel yung ginamit!✌🏼😅"

Silipin ang rest house nina Chito at Neri sa Cavite sa gallery na ito: