GMA Logo chito miranda
What's on TV

Chito Miranda, bumilib sa pagiging humble ni Stell Ajero: 'Hindi nagmamarunong'

By Jimboy Napoles
Published July 12, 2023 7:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS teases cryptic date, wipes Instagram account
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

chito miranda


Magkasama sina Chito Miranda at SB19's Stell Ajero bilang coaches ng inaabangang 'The Voice Generations.'

Sa isang pambihirang pagkakataon, sumalang sa isang TV interview ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa programang Fast Talk with Boy Abunda kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda.

Sa nasabing panayam, pinag-usapan nina Chito at Boy ang bagong programa ng una sa GMA na The Voice Generations kung saan siya ay isa napiling coaches.

Dito ay ikinuwento ni Chito kung bakit siya napabilib sa kaniyang fellow coach na si Stell Ajero at sa grupo nito na SB19.

“I'm familiar with SB19 and fan ako ng works nila. 'Tapos, nu'ng na-meet ko si Stell, [I know him] as the guy from SB19 and never naman kaming nag-talk. But as we get to hangout sa aming pictorials and everything, everything that he does is so entertaining and everything that he says is so humble and may wisdom na pambata. Alam mo 'yung hindi nagmamarunong?” kuwento ni Chito kay Boy.

Ayon pa sa Pinoy rockstar, nakita niya kung gaano ka-humble si Stell at kung paano nito pahalagahan ang kaniyang fellow members sa SB19.

Aniya, “Kung paano niya gustong i-push 'yung sarili niya, makikita mo how hardworking they are, and kung paano niya purihin 'yung mga kasama niya sa group, and I'm a sucker for that kasi that's how I talk pagdating sa bandmates [ko].”

Dagdag pa niya, “Alam kong lahat sila may saltik, pero I always see the good in them e. Siya rin ganun e, lagi siyang may puri, when it comes sa grupo niya.”

Hindi rin nakalimutan ni Chito ang sinabi umano ni Stell sa kaniya tungkol sa pagiging parte ng isang grupo.

“May sinabi siya na very important sa'kin na, 'Kung sino yung weak, the other guys need to be strong. Sobrang ganda nun, di ba? Kung sa bandmates may limitation siya, I'll be strong for you on that part, kumbaga, sapuhan, instead na everybody tries to chip in a team, instead of trying to stand out.

“It took Parokya years to do that and they've been together for five years only pero ganun na siya magsalita. Wala lang, bilib lang ako sa kaniya. Ang galing, e,” ani Chito.

Ayon pa kay Chito, mas lalo pa siyang bumilib kay Stell at sa SB19 nang malaman niya na sila rin ang nagsusulat at nag-iisip ng creative execution ng kanilang mga kanta.

Samantala, makakasama naman nina Chito at Stell sa The Voice Generations ang iba pang superstar coaches na sina Billy Crawfors at Julie Anne San Jose. Mapapanood din dito bilang host si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Ang The Voice Generations ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa mundo na The Voice mula sa ITV Studios. Mapapanood ito for the first time hindi lamang sa Pilipinas kung 'di pati na rin sa buong Asya via GMA Network.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SAMANTALA, KILALANIN ANG MAKAKASAMA NI CHITO NA COACHES SA THE VOICE GENERATIONS: