
Flattering para sa Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang pagkakapili sa kaniya bilang isa sa coaches ng inaabangang first-ever The Voice Generations in Asia na mapapanood sa GMA Network.
Saad ni Chito sa panayam ng GMANetwork.com, “Sobrang nakaka-flatter kasi ang dami nilang puwedeng pagpilian pero naisip nila na worthy akong maging coach so feelng ko na-a-acknowledge 'yung skill ko so that's very flattering.”
Bagamat minsan na rin siyang naging judge sa isang talent search sa TV, aminado si Chito na mas challenging ang kaniyang trabaho ngayon bilang isang coach.
“I think ang major difference diyan is that when you're a judge kung baga ina-analyze mo lang 'yung performance or the talent but being a coach it's more of being a mentor so meron ka talagang input, may guidance, and I think 'yun 'yung major difference, meron ka talagang duty to help and share your knowledge with the talents,” ani Chito.
Kuwento naman ng Pinoy rock star, malaking bahagi ng desisyon niya upang tanggapin ang pagiging coach ay ang kaniyang misis at celebrity entrepreneur na si Neri Naig.
“Siya 'yung unang nakaalam actually and siya 'yung actually nag-push sa akin na tanggapin 'to kung baga 'wag daw akong uuwi kung 'di ko tanggapin 'to. So, hello nandito na ako ngayon,” biro ni Chito.
Makakasama ni Chito sa nasabing singing competition ang iba pang superstar coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at SB19's Stell Ajero. Mapapanood din dito bilang host si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Ang The Voice Generations ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa mundo na The Voice mula sa ITV Studios. Mapapanood ito for the first time hindi lamang sa Pilipinas kung 'di pati na rin sa buong Asya via GMA Network.
Para sa iba pang showbiz and entertainment updates, bisitahin ang GMANetwork.com.
KILALANIN ANG THE VOICE GENERATIONS COACHES SA GALLERY NA ITO: