GMA Logo Parokya ni Edgar tour
Celebrity Life

Chito Miranda, masayang makasama ang pamilya sa tour ng Parokya ni Edgar

By Kristian Eric Javier
Published February 5, 2024 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 16, 2025 [HD]
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Parokya ni Edgar tour


Masaya ang vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda dahil kasama ang kaniyang pamilya sa tour.

Kahit nasa tour ngayon ang banda ni The Voice Generations coach Chito Miranda na Parokya ni Edgar ay masaya naman ito dahil nakasama niya ang kaniyang buong pamilya at hindi naho-homesick.

“Unang-una, malaking bagay kasi para sa amin ni Neri na ma-experience ng mga kids namin lahat ng pwede nilang ma-experience. Aside sa school, feeling kasi namin madami din silang natututunan sa pag-travel,” pahayag ni Chito sa kaniyang Instagram post.

Nag-post din si Chito ng picture ni Neri kasama ang kanilang mga anak na si Pia at Miggy habang nagfu-foodtrip sa Vancouver.

Dagdag pa niya ay hindi siya naho-homesick 'pag kasama niya ang kaniyang pamilya, at hindi na siya magiging masungit kahit gaano pa katagal ang kanilang tour. Ayon pa kay Chito ay masaya ang producers at management sa kaniya, “kasi hindi ako nagi-inarte,” sabi niya.

Pagpapatuloy ni Chito, “Higit sa lahat, nage-enjoy sila kasi kung saan saan sila nakakapunta (pati na rin ako hehe).”

“Dati kasi nagkukulong lang ako sa hotel room tuwing may tour, naghihintay lang na tumugtog at umuwi. Ngayon, dahil kasama ko pamilya ko, masaya ko silang nasasamahan kung saan saan hehe!”

Sa naunang post, ibinahagi ni Chito na sa Vancouver, Canada ang first stop ng kanilang tour kung saan siyam ang pupuntahan nila.

SAMANTALA, BALIKAN ANG REST HOUSE NINA CHITO AT NERI SA CAVITE SA GALLERY NA ITO:

Samantala, sa April 2024 naman ipapalabas ang musical kung saan gagamitin ang mga kanta ng Parokya ni Edgar na Buruguduystunstugudunstuy: Ang Parokya ni Edgar Musical.

Unang inanunsyo ang musical noong July 2023 sa final curtain call ng Ang Huling El Bimbo musical, at inanunsyo ni Chito ang title noong September.

Tingnan ang post ni Chito rito:

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)