
Nakauwi na mula sa ospital ang Parokya ni Edgar guitarist na si Gab Chee Kee ayon kay Chito Miranda.
Ibinahagi ni Chito ang magandang balita sa isang Instagram post.
Ani Chito, "After 2 months in the hospital due to pneumonia (more than a month dun, intubated sa ICU), and after several major and minor operations dealing with complications brought about by his condition, sa wakas...pina-uwi na si Gab sa bahay nila."
Ayon pa sa vocalist ng Parokya ni Edgar, naging posible ito dahil sa mga tulong na natanggap ni Gab.
PHOTO SOURCE: @chitomirandajr
"Dahil sa tulong ninyo, he survived. Maraming maraming salamat talaga!!!"
Dugtong pa ni Chito, "He was able to get the best medical attention dahil nagtulung-tulong tayo...and now, he could finally continue with his chemotherapy."
Ibinahagi ni Chito ang next step ni Gab sa kanyang pagpapagaling.
Ani Chito, "Kelangan nya lang magpalakas para makayanan nya yung chemo. The important thing is that we are back on track. Kumbaga, balik tayo sa main event...his fight against Lymphoma. We will win this battle."
Saad pa ni Chito, sa kanilang pagtanda ay babalikan nila ang kuwentong ito at ang naging pagtulong ng publiko para kay Gab.
"Many years from now, when me and my bandmates are old and gray, babalik balikan namin nila Gab yung kwento about how he fought and survived cancer, and how everyone helped out...and it will always be one hell of an inspirational story."
SAMANTALA, KILALANIN ANG INSPIRING CELEBRITY CANCER SURVIVORS: