GMA Logo Chito Miranda and Gab Chee Kee
Celebrity Life

Chito Miranda posts hilarious greeting to Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee

By Cara Emmeline Garcia
Published July 30, 2020 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Chito Miranda and Gab Chee Kee


“Happy birthday sa bespren ko mula 2nd year high school…” bati ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda sa kanyang guitarist.

Isang throwback ang hatid ni Chito Miranda sa lahat ng Parokya ni Edgar fans nang batiin nito ang kanilang rhythm guitarist na si Gab Chee Kee.

Sa kanyang Instagram, ipinakita ni Chito ang lumang litrato nila ni Gab at ikinuwento ang kanilang tropang adventures noong nasa high school pa lamang sila.

Aniya, “Happy birthday sa aking 1st bandmate at sa bespren ko mula 2nd year high school, Mr. Gabriel Chee Kee!

“Nung high school kami, pareho kaming walang pera… pero paminsan-minsan nakakadiskarte si Gab ng PhP 100 mula sa parents niya. Ang gagawin niya, isasama niya ako sa Robinsons Galleria.

“PhP 20 ang pamasahe namin papunta mula sa Teacher's Village, at ganun din pabalik.

"'Yung PhP 60, ibibili namin lahat 'yun ng tokens. PhP 3 lang isang token nun, so tig-10 kami… tapos uubusin namin lahat 'yun sa Street Fighter.”

Wika ng Parokya ni Edgar frontman, madalas silang mag-give and take tuwing naglalaro para “masulit namin 'yung tokens.”

“Haaay… sobrang saya lang talaga ng mga alala nung high school. Wala lang, naalala ko lang.

“Happy birthday ulit, Papafabre!!!”

Happy Birthday sa aking 1st bandmate ko, at sa bespren ko mula 2nd year highschool, Mr.Gabriel Chee Kee! Nung highschool kami, pareho kaming walang pera...pero paminsan-minsan, nakakadiskarte si Gab ng P100 mula sa parents nya. Ang gagawin nya, isasama nya ako sa Robinson's Galeria. P20 ang pamasahe namin papunta mula Teacher's Village, at ganun din pabalik. Yung P60, ibibili namin lahat yun ng tokens. P3 lang isang token nun, so tig-10 kami...tapos uubusin namin lahat yun sa Street Fighter. Kung sino ang manalo sa 1st round, kelangan magpatalo sa 2nd round bilang "mercy round" (para masulit namin yung tokens), tapos laban na lang ulit sa 3rd. Haaay...sobrang saya lang talaga ng mga ala-ala nung highschool. Wala lang. Naalala ko lang. Happy Birthday ulit, Papafabrel!!!

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Si Gab Chee Kee ay isa sa mga founding member ng OPM alternative-rock band na Parokya ni Edgar at ang kasalukuyang rhythm guitarist nito.

Kasama niya sina Chito Miranda, Jeric Estaco, Vinci Montaner, at Mikko Yap sa pagbuo ng banda noong nag-aaral pa lamang sila sa Ateneo de Manila.

Source: bleachersbrew.blogspot.com