GMA Logo Chito Miranda, SB19 Stell, Moira Dela Torre
Celebrity Life

Chito Miranda, SB19 Stell, Moira Dela Torre magkakasama sa 'pinakawalang kwentang chatroom'

By Hazel Jane Cruz
Published June 17, 2024 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI lauds immigration officers posted at manned airports, seaports amid holidays
Cebu Archbishop: There is hope for the Philippines
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Chito Miranda, SB19 Stell, Moira Dela Torre


Bakit tinawag itong 'pinakawalang kwentang chatroom' ni Chito Miranda?

Nag-uumapaw na good vibes ang dala ng dating The Voice Generations coach at Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda matapos nitong i-share online ang kanilang usapan ng SB19 member na si Stell at Filipina singer-songwriter Moira dela Torres sa online messaging app na Viber.

Patok sa Instagram ang pasilip ni Chito sa kanilang groupchat nina SB19 member Stell at Moira na may group name na “MoiStellChits,” pati na rin ang kanilang kuwentuhan online.

Saad nito sa kaniyang Instagram post, “Jusko... eto na yata ang pinakawalang kwentang chatroom sa balat ng Viber.”

“Nauunawaan ko na kung bakit gulung-gulo ang mga matatanda sa mga kabataan ngayon,” dagdag ni Chito.

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Makikitang inaya ni Chito ang fellow The Voice Generations coach na si Stell na tumambay kasama si Moira pag-uwi nito galing U.S.

“Stell! Pag-uwi ni Moi from US, tambay tayo. Sama daw sya. Kapal ng mukha, inimbita yung sarili,” ani Chito.

Subalit kabaligtaran ng inaasahan niyang reaksiyon ang nakuha at tila tinawanan lamang nina Stell at Moira ang banat ni Chito.

Sinundan ito ng Stell ng komento na: “Puro tawa na dito sa GC na to for sure.”

Sinegundahan naman ni Moira ang kanilang tawanan ni Stell sa naunang message ni Chito at sinabing, “Akala ni kuya Chito, nakakuha siya ng kakampi.”

“'Di niya alam, pagtutulungan siya,” dagdag pa nito.

Dito na lalong napahagalpak ng tawa ni Chito ang mga netizens sa kaniyang reply, “[...] chatroom to. Panay halakhak na all caps.”

Pinuna naman ng mga netizens ang tila “tito” na paggamit ni Chito ng “chatroom.”

“Yung word na 'chatroom' itself makes me so old, remembering Yahoo Messenger,” sulat ng isang netizen.

Ang isang komento naman ay sinabing, “Grabe yung 'chatroom' lakas mga early 2000s mIRC yarn? Hahahahah. Grabe naman si tito chito.”

Chito GC1

Samantala, matatandaan namang pormal nang inanunsiyo ni Chito noong nakaraang linggo ang kaniyang pag-alis sa The Voice Generations upang mag-focus sa sa kaniyang banda na Parokya ni Edgar.