
Kamakailan lang ay nasa Europe ang fashion icon na si Heart Evangelista at ayon sa asawa niyang si Chiz Escudero, ilang araw lang ay aalis muli ito papuntang Singapore para sa work.
Dahil hindi biro ang gastos para mag-travel at manatili sa ibang bansa ng matagal, tinuturuan umano ng senador si Heart kung papaano ito gagawing sustainable.
Sa continuation ng kanilang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, natanong sina Chiz at Heart kung ano ang dynamics nila sa kanilang finances. Ayon kay Chiz, dahil meron silang pre-nuptial agreement ay separation of property sila ni Heart.
“So what's hers is hers, what's mine is mine, I take care of the household, she takes care of her shopping, except on certain occasions na pwedeng i-bargain,” sabi niya.
Pagpapatuloy nito, “For example, 'itong regalong 'to, pwedeng pang tatlong Pasko, dalawang birthday, dalawang anniversary.'”
Natatawang sinabi pa ni Heart na naka-record pa sa phone ng asawa ang kanilang agreement.
“'I-promise mo.' 'Babe, this is really, ito na talaga pang 40th, ico-combine ko na 'yung birthday, 'yung keme, chuchu-chuchu,' para nakakontrata na, naka-record 'yun,” ani ni Heart.
TINGNAN ANG ILAN SA MOST FASHIONABLE TRAVEL OUTFITS NINA CHIZ AT HEART SA GALLERY NA ITO:
Dahil madalas na nasa ibang bansa si Heart para um-attend ng fashion shows or events, sinabi ni Chiz na tinuturo niya kay Heart kung papaano magiging sustainable ang mga ginagawa niya.
“If she's having fun in Europe, in Paris, then she has to find work na kikita, na tatapal dun, para maging sustainable siya, hindi pwedeng bunot siya ng bunot para sa kada punta roon,” sabi niya.
Ngunit para naman kay Heart, pumapangalawa lang ang trabaho para sa kaniya tuwing pumupunta ng events.
“I mean, work came second for me, I just got lucky. I feel na I'm paid to go to some shows and all of that, but even without it, I'll still go, so I like it so much,” sabi ng fashion icon.