
Cute talaga ni Chiechie!
By AL KENDRICK NOGUERA
Inaabot ang taping ng isang drama show nang isang buong araw. Kaya naman sinusulit nila ang pahinga tuwing break o kapag hindi sila ang nakasalang sa eksena.
Pero ibahin ninyo ang Little Nanay star na si Chlaui Malayao. Natuwa ang kanyang co-star na si Kris Bernal sa Kapuso child star dahil hindi niya napigilan ang antok habang nagte-taping ng Telebabad soap.
MUST-SEE PHOTOS: The sleeping beauties of showbiz
Ayon kay Kris, kailangan lang daw umarte ni Chlaui na natutulog pero nagulat na lamang sila na totoong nakatulog na. Narito ang cute photo ni Chlaui na ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram account.
"Eksena lang ang tulug-tulugan.. Pero ending, nakatulog na talaga siya," saad ni Kris sa kanyang post.