What's Hot

Chlaui Malayao, kinakabahang mapahiya sa big stars ng 'Little Nanay'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 16, 2020 11:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider shot dead in Taguig ambush; 2 friends nabbed
5 cops relieved over robbery probe in Porac
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Na-miss n'yo na ba ang dating 'Yagit' star na si Chlaui Malayao? Abangan siya bilang si Chichie sa 'Little Nanay' ngayong Nobyembre na. 
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Sa darating na Nobyembre, mapapanood na ang pinakabagong GMA Telebabad show na Little Nanay at tampok dito ang mga batikang aktor sa industriya tulad nina Bembol Roco, Eddie Garcia at Nora Aunor.
 
LOOK: Multi-awarded actors Eddie Garcia and Nora Aunor mapapanood na sa GMA Telebabad
 
Dahil bigatin ang cast, hindi tuloy maiwasan ng child star na si Chlaui Malayao na makaramdam ng kaba kapag kaharap ang nasabing big stars. Dahil daw rito ay pinaghahandaan niya nang husto ang itinuturing niyang biggest project sa kanyang showbiz career.
 
READ: "Lahat ng nasasampal ko [ay] umiiyak" - Nora Aunor
 
"Nagwo-workshop po ulit ako. Minsan po kapag nasa bahay ako, nagpa-practice rin po ako para hindi po masyadong kabado," pahayag ng Kapuso child star.
 
"'Tsaka challenging na challenging din po kasi 'yung mga kasama ko nga po ay big stars at kinakabahan po ako kasi baka mapahiya ako sa kanila. Kaya super practice po ako," dagdag pa ni Chlaui.
 
Bukod sa mga kapwa artista, kinakabahan din daw si Chlaui sa direktor ng Little Nanay na si Ricky Davao. Aniya, "Si Direk Ricky po 'yung direktor namin, baka po may iba po kaming scenes na kakabahan din ako."
 
Normal naman na kabahan ang isang baguhan sa industriya kaya ayon kay Chlaui ay talagang ipinagbubuti niya ang pag-aaral sa kanyang character na si Chichie. 
 
Si Chichie ang batang tatayong ina sa kanyang nanay na si Tinay, isang 25 years old na may sakit sa pag-iisip, na gagampanan naman ni Kapuso actress Kris Bernal.
 
READ: Kris Bernal, handa nang gampanan ang pinakamabigat na role sa kanyang showbiz career