GMA Logo Chloe San Jose and Carlos Yulo siblings
Source: c_edrielzxs/IG
What's on TV

Chloe San Jose, malapit sa mga kapatid ni Carlos Yulo?

By Kristian Eric Javier
Published March 24, 2026 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH, Israel launch women's health hub at Rizal Medical Center
Pagpamusil sa Traffic Police sa Lapu-Lapu City sa Iyang Kauban, Gisusi | Balitang Bisdak
Friendly neighbor, inawat ang bardagulan ng mga sekyu! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Chloe San Jose and Carlos Yulo siblings


Binigyan linaw ni Chloe San Jose ang relasyon niya sa mga kapatid ng boyfriend na si Carlos Yulo.

Hindi maitatanggi na nagkaroon ng problema si Carlos Yulo, ang kaniyang inang si Angelica Yulo, at kaniyang mga kapatid. Ngunit sa kabila nito, pagbabahagi ni Chloe San Jose, ay nanatili pa rin siyang malapit sa mga kapatid ng boyfriend.

“Yeah, we're good po. Actually, not to magbuhat ng bangko, pero it's always been me na nag-e-encourage even if he really didn't want to at the time that it was super crazy and talagang maingay ang stuff. I have always been the one who encourages him,” sabi ni Chloe sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 24.

Dahil napag-usapan na rin naman ang tungkol sa kaniyang pamilya, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Carlos, “'Pag dumating ang panahon na 'yun at tinanong ng Diyos, 'Kamusta ka bilang anak sa iyong mga magulang?' ano ang sagot mo?”

Sabi ng two-time Olympic Gold Medalist, “Ginawa ko po 'yung part ko and naglakas ako ng loob, humihingi ako sa Inyo actually po, ng lakas ng loob para kausapin sila, ma-explain kung ano 'yung nangyari, especially sa nagawa po nila sa akin.”

BALIKAN ANG PAGKIKITA NG MAGKAPATID N CARLOS AT ELDREW SA 2024 PSA AWARDS SA GALLERY NA ITO:

Nilinaw din ni Carlos, “Ako, wala akong galit sa puso ko, walang kahit anong galit, sama ng loob, pagtatampo, wala akong naramdamang ganu'n.”

Nilinaw din ni Carlos na gusto pa rin niyang makasama ang kaniyang pamilya, lalo na ang kaniyang mga kapatid. Sa katunayan, pinilit niyang kausapin ang mga ito para maayos na ang lahat. Ngunit ayon sa atleta, “Hindi ko po hawak 'yung sagot na 'yun.”

Nilinaw din ni Carlos na pagdating sa pagiging mga atleta, hindi niya maaaring suportahan ang kaniyang mga kapatid financially.

“Kasi part po kami ng National team and hindi ko po responsibility to do that. Pero yeah, sa 'kin, kasi gusto ko, may iba't iba po kaming journey and 'yun ang gusto kong ipaalam sa kanila; na hindi porke't na-experience ko 'yung mga bagay na ganu'n ay ma-e-experience din nila,” sabi ni Carlos.

Panoorin ang panayam kina Carlos at Chloe dito:

RELATED CONTENT: Carlos Yulo bonds with siblings at an amusement park