
Emosyonal ang Korean star na si Choi Bo-min sa huling araw ng taping niya para sa GMA, Viu, at CreaZion Studios drama series na Beauty Empire.
Sa post ng GMA Network sa Instagram, sinorpresa si Bo-min ng kanyang co-stars ng cake at bulaklak matapos kunan ang kanilang matinding eksena ni Sid Lucero. Sa serye, pinapatay ni Eddie Imperial (Sid) ang karakter ni Bo-min na si Alex dahil ilalantad nito ang mga nalalaman niyang kasamaan ng una.
Thankful naman si Bo-min sa kanyang magagandang experience sa unang series niya sa Pilipinas, na babaunin niya pauwi ng Korea.
Aniya, "I almost cried. Time goes very quickly. It's a very good experience really, honestly. Everyone made me more confident so I'm very honored to meet the Beauty Empire family so I will memorize this memory before I come back to Korea."
Mula sa konsepto ng CreaZion Studios, ang Beauty Empire ay isang Viu Original series mula sa produksyon ng GMA Public Affairs.
Pinagbibidahan ito nina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, Sid Lucero, Sam Concepcion, Chai Fonacier, at Ruffa Gutierrez, kasama sina Gloria Diaz at Choi Bo-min.
Mapapanood ang Beauty Empire, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito sa Viu.
RELATED CONTENT: Korean stars who call the Philippines their second home