
May bago nang makakasama ang iBilib barkada ngayong Sunday!
Samahan si award-winning host Chris Tiu at Kapuso Sweetheart Shaira Diaz sa pag-welcome sa pinakabagong iBiliber na makikisaya at makakasamang matututo tungkol sa iba't ibang paksa na tinatalakay sa show.
Ang bagong makakasama nina Chris at Shaira ay puno ng curiosity, innocence, energy, at maraming tanong na pipiliting sagutin ng dalawang hosts.
Magiging daan din ang bagong iBiliber para mas maka-connect ang mga batang manonood sa mga itinuturo nina Chris at Shaira tungkol sa science, at everything under the sun.
Sino kaya itong bagong iBiliber na makikisaya at makikikulit kasama sina Kuya Chris at Ate Shaira? Abangan sa iBilib ngayong Sunday, 9:35 a.m. sa GMA.