
Mula on set hanggang sa mismong araw ng kasal, kapansin-pansin talaga ang pagkakaibigan nina Christian Antolin at Kiray Celis.
Sa isang reel, marami ang natawa at naantig sa ibinahaging karanasan ni Christian sa kasal ng kanyang kaibigan.
Makikita sa video na hindi napigilang umiyak ng content creator habang naglalakad si Kiray patungo sa altar. Sa sobrang emosyonal niya, napatago pa siya sa likod ng kanyang kasamahan at naglabas ng tissue para pamunas.
Ngunit sa kabila ng emosyonal na tagpo, sinabayan ito ni Christian ng pabirong caption sa kanyang post.
"POV: Umiiyak ka sa kasal ng kaibigan mo matapos mo siyang sabihan ng 'hiwalayan mo na 'yan' ng 20 beses," aniya.
Nagpatuloy ang kulitan sa comment section sa mga biro tulad ng "Tapos nakikain ka pa" at "Buti kinaya ng tissue 'yung uhog ko."
Labis na naaliw ang netizens sa candid moments ng content creator. Marami ang nakiisa pa sa biruan habang tawang-tawa sa kanyang kakulitan.
Nitong December, ikinasal si Kiray Celis sa kanyang non-showbiz partner na si Stephan Estopia.
Isa si Christian sa mga dumalong bisita sa star-studded wedding, kasama sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Winwyn Marquez, Vice Ganda, Gabby Concepcion, AiAi Delas Alas, Eugene Domingo, Boy Abunda, at marami pang iba.
Nagkatrabaho noon sina Kiray at Christian sa GMA series na My Guardian Alien. Mula noon, madalas na silang mag-collab sa mga nakakatuwang online content at naging matalik na kaibigan off camera.
Tingnan ang wedding photos nina Kiray Celis at Stephan Estopia sa gallery na ito: