GMA Logo pokwang and christian bautista
What's Hot

Christian Bautista at Pokwang may dance showdown sa 'Unang Hirit'

Published July 8, 2025 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang and christian bautista


Nagpakitang-gilas sa kakaibang dance collab sina Christian Bautista at Pokwang sa Unang Hirit ngayong Lunes!

Hindi nagpahuli sa pagpapakitang gilas ang Asia's Balladeer na si Christian Bautista!

Sa simula pa lang ng kanyang Unang Hirit guest hosting week, agad siyang nakipag-collab sa komedyante at TV host na si Pokwang para sa isang nakakaaliw na dance challenge.
link -

Tawang-tawa ang mga hosts at manonood sa kanilang nakakatuwang moves, lalo na't hindi ito ang usual na makikita mula sa All-Out Sundays star na kilala sa kanyang mga seryosong ballads. Si Pokwang naman ay game na game sa pagpapatawa habang todo hataw sa sayawan.

Bukod sa kanilang dance number, naibahagi rin ni Pokwang ang kanyang mga karanasan bilang isa sa mga hurado sa Stars on the Floor.

“Naku, nakakaloka talaga sila, wala ka talagang itutulak kabigin kasi ang gagaling nilang lahat. Kung pwede lang talaga silang lahat para sa amin, winner!” ani Pokwang habang inaalala ng mga contestant.

Related gallery: All eyes on the 'Stars on the Floor' cast on star-studded storycon

Siguradong ito pa lang ang simula ng mas marami pang nakakatuwang ganap sa guest hosting stint ni Christian sa Unang Hirit ngayong linggo. Abangan ang iba pa niyang pasabog!

Panoorin dito: