Article Inside Page
Showbiz News
Tuloy na tuloy na ang paglipad ni Christian Bautista papuntang London para mapanood si Rachelle Ann Go sa 'Miss Saigon' dahil approved na ang kanyang visa application.
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Tuloy na tuloy na ang paglipad ni Christian Bautista papuntang London para mapanood si Rachelle Ann Go sa
Miss Saigon dahil approved na ang kanyang visa application. Matatandaang
ito na lamang ang kanyang hinihintay nang tanungin sa GMANetwork.com live chat kung dadalawin ba niya ang ex-girlfriend na gumaganap bilang Gigi sa naturang West End musical.
"When my visa gets approved, I'll watch both Mark and Rachelle," pahayag niya.
Nasa London din ngayon ang kaibigan nilang si Mark Bautista,
playing the role of Ferdinand Marcos in another West End musical,
Here Lies Love.
Nitong nakaraang Biyernes ay
nanalo si Rachelle Ann bilang Best Featured Artist in a Musical sa 2014 Broadway World West End Awards. Humakot din ng parangal ang
Miss Saigon mula sa naturang award-giving body.
Abala ngayon si Christian sa pag-promote ng kanyang
number one album, Soundtrack, kung saan ka-duet niya si Rachelle sa kantang 'The Way We Were'.
Nakatakdang umalis si Christian papuntang London pagkatapos ng Bagong Taon.