
Hindi umano naging matagal ang ligawan stage nina Christian Bautista at Kat Ramnani. Sa katunayan, naplano na kaagad nila ang magiging buhay nila sa likod ng isang barf bag habang nakasakay sa eroplano.
Sa pagbisita nina Christian at Kat sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, May 6, binalikan ni King of Talk Boy Abunda kung papaano niligawan ng Asia's Romantic Balladeer ang kaniyang asawa.
Pabirong sagot ni Christian, “Fast Talk!”
“Hindi, paano ko niligawan, after all those shenanigans, pinakilala ko siya agad sa akin, sa pamilya, kung sino ako, ito ang medyo nagulat din ako sa sarili ko. Nu'ng nakilala ko na talaga siya, nu'ng nagustuhan ko na talaga siya, parang sinabi ko, 'Ito ako at ito ang plano ko in the next two to three years. Pareho ba tayo ng plano natin sa buhay? Kasi kung pareho tayo, baka mag-work. Kung hindi, baka hindi mag-work,'” pag-alala ni Christian.
Pagpapatuloy pa ng Kapuso singer, sinabi niya kaagad kung anong edad niya gustong magpakasal, at kung kailan niya gustong magsimula ng pamilya. Naging honest at diretso raw si Christian kay Kat. Ginawa niya ito dahil base sa mga nauna niyang experiences, mabuti nang ilabas na niya agad ang hard truths, mga bagay na sinang-ayunan naman ni Kat.
TINGNAN ANG MINI HONEYMOON NINA CHRISTIAN AT KAT SA BALI, INDONESIA SA GALLERY NA ITO:
Ngunit kuwento naman ni Kat, inilatag ni Christian ang mga planong ito habang nasa eroplano sila, at isinulat sa likod ng isang sickness bag o barf bag.
“We were on an airplane so he told it to me, we planned our life on the back of a throw-up bag, 'yung barf bag, and I still have that bag today. But we really laid out our time [table],” pagbabahagi ni Kat.
Panoorin ang panayam kina Christian Bautista at Kat Ramnani dito: