
Sa pagsisimula ng tinatawag na “Ber Months” nitong Lunes, September 1, naglabas ng kakaibang collaboration sina Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista at "Lumpia Queen" Abi Marquez.
Noong Sabado, August 30, nag-post si Christian ng short Instagram video, kung saan makikitang tinatanong siya ni Abi kung pwede ba silang mag-duet. Sagot ng batikang singer ay mukhang masaya ang iniisip ng foodie content creator.
Sa susunod na eksena, makikitang magkasama sila sa loob ng isang recording studio.
Noong Linggo, August 31, nag-post ng teaser si Christian sa Instagram, kung saan nagbahagi siya ng litrato niya kasama sina "King of Philippine Christmas Carols" na si Jose Mari Chan, at ni Abi." Ito ay my kasamang text na: “Ready na ba kayo?”
“Unwrapping a holiday treat tomorrow … guaranteed JMC-approved para sa tamang simoy ng 'ber' months. ” caption ni Christian sa kaniyang post.
Sa comments section, marami ang nagpahiwatig ng kanilang excitement sa naturang collaboration. Marami rin ang sinagot ang tanong ni Christian sa kkaniyang post at sinabing ready na sila para dito.
BALIKAN ANG ILAN SA MGA MEMES NI JOSE MARI CHAN NA KUMAKALAT SA INTERNET SA GALLERY NA ITO:
Nitong Lunes, September 1, ibinahagi na ni Christian na may collaboration sila ni Abi sa isang Christmas song na pinamagatang “Let Love Be the Gift.”
Paglalarawan ni Christian sa naturang awitin, “Fresh duet hot off the mic … parang bagong lutong lumpia -- simple pero tatama diretso sa puso (at sa tiyan).”
Sa mga hindi nakakaalam, bukod sa pagiging food content creator, isang magaling na singer din si Abi. Sa katunayan, bago pa siya nagsimula mag-post ng mga food content online ay nagpo-post na siya ng song covers sa Instagram at Youtube. Bokalista rin siya ng isang banda noon.
Maaari nang ma-stream online ang kanilang collab single na “Let Love Be the Gift.”