GMA Logo christian and mark bautista
What's Hot

Christian Bautista, Mark Bautista speak about the rise of AI-generated songs

By Kristian Eric Javier
Published February 20, 2026 2:51 PM PHT
Updated February 20, 2026 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Aquino-Dee opposes Marcos-Leni alliance; Palace urges halt to politics
Little sister, INSECURE sa ate niyang MADISKARTE | Barangay Love Stories
Missing girl in Toledo City, Cebu found dead, tied to tree

Article Inside Page


Showbiz News

christian and mark bautista


Pabor ba si Christian Bautista at Mark Bautista sa AI-generated music? Alamin dito:

Kasabay ng pag-usbong ng AI o artificial intelligence ay ang paglaganap na rin ng mga imahe at videos na gawa gamit ang naturang program. At ngayon, maging sa larangan ng musika ay nagagamit na rin ito sa paggawa ng kanta.

Sa report sa "Unang Balita" para sa Unang Hirit ngayong Biyernes, February 20, nagbigay ng kanilang saloobin at pananaw ang Kapuso singers na sina Christian at Mark Bautista tungkol dito.

Sa presscon para sa kanilang Bautista X Bautista concert, sinabi ni Christian na wala namang masama sa paggamit ng AI para gumawa ng kanta. At sa mga nakikinig, pinayuhan din niya na kung hindi nila gusto ang AI-generated music, hindi naman nila ito kailangan pakinggan.

"'This is an AI-generated song, hope you like it.' If you don't like it, then don't listen to it. Listen to original songs na not created by AI," sabi ni Christian.

KILALANIN ANG ILAN SA MGA POWERHOUSE KAPUSO SINGERS SA GALLERY NA ITO:

Sabi naman ni Mark, may mga tao naman talagang nakaka-appreciate ng mga kanta na gawa ng AI. Pag-amin niya, hindi naman maaaring pigilan ang mga taong iyon dahil doon sila "na move."

Hiling lang ni Mark, "Sana hindi mawala 'yung appreciation ng mga tao sa artistry, sa soul, sa effort ng bawat artist.”

Nilinaw naman ng dalawang Kapuso singers na hindi sila against sa AI-generated music, lalo na at bahagi na ito ng modern generation. Ngunit kahilingan nila, hindi pa rin mawala ang appreciation ng publiko sa mga artist katulad nila.

Samantala, excited na sina Christian at Mark sa kanilang upcoming concert at sinabing dapat abangan ang mga sorpresa at guests nila sa March 6.

Panoorin ang bahagi ng press conference nina Christian at Mark dito: