
Si Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista ang aawit ng theme song ng upcoming romance movie na This Time I'll Be Sweeter.
Lubos naman ang pasasalamat ng leading man na si Ken Chan sa pagpapahiram ni Christian ng kanyang boses para sa kanilang pelikula.
"Excited for the movie themesong of our movie! Thank you Sir Christian Bautista!" sulat ni Ken sa caption ng litrato ni Christian na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.
Ang This Time I'll Be Sweeter ang unang tambalan sa pelikula ni Ken at ng kanyang Meant To Be leading lady na si Barbie Forteza. Mapapanood ito simula November 1, nationwide.