GMA Logo christian bautista
source: xtianbautista/IG
What's on TV

Christian Bautista, unbothered sa mga tanong tungkol sa pagkakaroon ng anak

By Kristian Eric Javier
Published December 9, 2024 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Teens found vintage bomb in Davao City
Valenzuela task force organized to probe case of dog with tongue cut off
Bataan serves suman and dinuguan for Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

christian bautista


Anog ang palagay ng celebrity couple na sina Christian Bautista at Kat Ramnani tungkol sa pagkakaroon ng anak? Alamin dito:

Ipinagdiwang nina Christian Bautista at Kat Ramnani kamakailan ang kanilang ika-anim na wedding anniversary. Sa anim na taon nilang mag-asawa, tanong pa rin ng marami ay kung kailan sila magkakaroon ng baby.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, December 9, tinanong siya ni King of Talk Boy Abunda kung na-o-offend ba sila ni Kat tuwing tinatanong sila tungkol sa pagkakaroon ng anak.

Sagot ng Asia's Romantic Balladeer, “We don't take offense kasi parang tradisyon na 'yan ng Pilipino. Ang lagi ko na lang sinasabi, 'I have a cat, I have a dog. Check niyo 'yung Instagram namin.'”

Ngunit ani Boy, siya ay na-ba-bother sa ganoong tanong dahil “it's so hard to explain.”

Kaya ang sunod na tanong ng batikang host sa singer, “I'll bring it to another point: Gaano kahalaga ang anak to a successful marriage?”

Ang sagot ng The Clash judge, “Ang pinakaimportante yata sa isang marriage ay isa't isa muna. 'Yung partner mo muna first before 'yung pressure na magkaroon ng isang anak.”

BALIKAN KUNG PAPAANO NABAGO NI CHRISTIAN ANG PANANAW NI KAT TUNGKOL SA KASAL SA GALLERY NA ITO:

Pag-amin ni Christian, marami ang hati ang opinyon ukol sa bagay na ito. Aniya, ang iba ay sinasabing dapat mag-focus sa pagkakaroon ng anak, habang ang iba umano ay nagsasabing dapat pagtuunan muna ng pansin ang kanilang partner.

“Meron naman, sinasabi, focus on the marriage so that 'yung anak makikita ang very very good example ng isang partnership and would admire you more. So depende na lang kung saan sila pupunta,” sabi ng batikang singer.

Ngunit para kay Christian, katulad lang ito ng isang psychology question, “If there is an extreme case na someone is pregnant, if the woman is pregnant, and then you can only save one, sa mga sine, will you save the baby or the mother?”

Sabi pa niya sa huli, “It's an impossible choice, pero only that moment, only in your faith in God and your trust and faith will give you that answer.”