GMA Logo kapuso mo jessica soho
Source: kapusomojessicasoho/FB
What's Hot

Christmas bonus, ginamit ng mag-asawa para magsimula ng negosyo

By Kristian Eric Javier
Published December 20, 2023 12:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

kapuso mo jessica soho


Ang dating pinagsamang Christmas bonus ng magkasintahan ay nagbunga na ng ilang branches ng coffee shops ngayon. Alamin ang kuwento rito:

Dahil malapit na ang Pasko, panahon na rin para matanggap ng mga empleyado ang kanilang mga Christmas Bonus. Kung ang iba ay excited na bumili ng bagong cellphone, gadget, damit o gamit sa bahay, isang mag-asawa ang nag-ambagan para maipatayo ang kanilang negosyo.

Ibinahagi nina Mark Anthony Vasquez at Christine Marie Vasquez sa Kapuso Mo, Jessica Soho na napagkasunduan nila noon na gamitin ang Christmas bonus na natanggap ilang taon na ang nakalilipas para magsimula ng isang coffee shop.

“Sabi ko,'sige, mag-ambagan tayo 'pag na-receive na natin ang Christmas bonus natin. Tig-PhP5,000 pesos tayo,'” pagbabahagi ni Mark.

Ayon pa sa kaniya, iniisip niya noon na kung gagastusin lang niya basta ang matatanggap na bonus ay mawawala rin ito agad, kaya napagdesisyunan nilang gamitin ito bilang puhunan.

“Dun na nga namin na-isip 'yung coffee dahil parehas naman kaming coffee lover,” kuwento niya.

Samanata, ibinahagi naman ni Christine ang kaniyang tuwa sa pagtupad ng kanilang goals at umangat sa hirap, lalo na at working students sila ni Mark noong college.

“Nagbenta kami ng maraming product para lang maka-ahon sa hirap,” pagbabahagi nito.

TINGNAN ANG MGA CELEBRITIES NA NAGTAYO RIN NG KANILANG SARILING NEGOSYO:

Ngayon, nakapag-expand na sila at mayroon nang limang branches ang kanilang coffee shop, isang bagay na ikinatuwa rin nila dahil nakakapagbigay sila ng opportunity sa mas maraming tao.

“Lahat ng 'yon, dahil sa nag-ambagan kami ni Mark ng Christmas bonus namin. Natutuwa kami na 'yung PhP10,000, kung paano na siya nag-grow,” pagbabahagi niya.

Ibinahagi naman ng financial wealth coach na si David Angway ang kaniyang rule of thumb sa pag-gamit ng sahod o bonus na matatanggap ngayon holiday season, at iyan ay ang 70-20-10 rule.

“Seventy percent expenses, 20 percent savings, 10 percent investment. Meron kang posibilidad makapag-enjoy today, at the same time, pag-prepare sa future,” sabi niya.

Panoorin ang buong interview nila dito: