
Panoorin ang 'Christmas Cartoon Festival Presents... Frosty Returns,' December 24 pagkatapos ng 'Pokemon XY.'
By MARAH RUIZ

Muling mabubuhay si Frosty the Snowman habang naglalaro ang magkaibigang sina Holly at Charles sa snow.
Nakansela kasi ang musical show sa Beansboro Elementary School dahil sa kapal ng snow kaya naglaro na lang ang mga bata habang humahanap ng paraan ang kanilang mga magulang.
Sakto namang ipapakilala ni Mr. Twitchell ang bago niyang imbensyon na Summer Breeze. Kaya nitong tumunaw ng snow sa isang saglit lamang!
Patok na patok sa town ang Summer Breeze, kaya manganganib ang buhay ni Frosty. Tutulungan naman siya nina Holly at Charles at itatago siya ng mga ito para hindi siya matunaw.
Tuluyan na bang maglalaho si Frosty? Bumalik pa kaya ang dating pagmamahal ng Beansboro para sa snow?
Alamin sa Christmas Cartoon Festival Presents... Frosty Returns, December 24 pagkatapos ng Pokemon XY.