What's Hot

Christmas Cartoon Festival Presents... 'Hoops and Yoyo Christmas Special'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 13, 2020 10:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang 'Christmas Cartoon Festival Presents... Hoops and Yoyo Christmas Special,' December 3 pagkatapos ng 'Pokemon XY.'


By MARAH RUIZ

Habang nagkakabit ng mga Christmas decorations sina Hoops at Yoyo, maririnig nila ang pagdating ni Santa Claus sa kanilang bahay!

Uusisain nila, kasama ang kanilang kaibigang si Piddles, ang bag na kinalalagyan ng mga regalo ni Santa. Pero habang tinutulungan nina Yoyo at Piddles si Hoops na makalabas mula sa loob ng bag, hindi nila mamamalayang paalis na pala si Santa.

Aksidente silang mapapasama sa paglalakbay ni Santa Claus. Ngunit mahuhulog sila mula sa sleigh at mapupunta sa nakaraan. Makikilala nila rito ang batang toy maker na si Kris Kringle. Hindi nila sinasadyang masira ang isa sa mga laruang ginawa nito.

Ano kaya ang magiging epekto ng mga gagawin nina Hoops at Yoyo sa nakaraan? Makabalik pa kaya sila sa kasalukuyan?

Alamin ito sa Christmas Cartoon Festival Presents... Hoops and Yoyo Christmas Special, December 3 pagkatapos ng Pokemon XY.