What's Hot

Christmas vibe, ramdam na ramdam na sa tahanan nina Rodjun Cruz at Dianne Medina

By Dianara Alegre
Published December 10, 2020 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz Dianne Medina at baby Joaquin


Sa kabila ng mga nangyari ngayong 2020, thankful pa rin sina Dianne Medina at Rodjun Cruz dahil ngayong taon ipinagkaloob sa kanila ang kanilang “greatest blessing,” si baby Joaquin.

Paskong-pasko na ang vibe sa bahay ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina dahil bukod sa naka-set up nilang Christmas decors, ramdam na ramdam din daw nila ang diwa ng Pasko dahil sa baby boy nilang si Joaquin.

Dagdag pa ni Rodjun, pagsapit ng “ber” months ay sinimulan niya nang magpatugtog ng Christmas songs sa tahanan nila.

Rodjun Cruz Dianne Medina at baby Joaquin

Source: dianne_medina (IG)

“Pagdating ng 'ber' pine-play ko na 'yung Christmas songs para maramdaman talaga natin 'yung Pasko.

“Syempre ang sa akin lang, maraming nagdaang pagsubok pero hindi pa rin tayo pinapabayaan ni Lord.

"Marami pa ring blessings na ibinibigay sa atin at 'yung greatest blessing naming ngayong 2020 si Baby Joaquin,” kuwento ni Rodjun sa 24 Oras.

Magkahalong saya at lungkot naman daw ang nararadaman ni Dianne sa tuwing makikita niya ang kanilang Christmas tree.

“'Pag nakikita ko 'yung Christmas tree nami-miss ko 'yung mom ko and si Rodjun din. So, parang brings back childhood memories talaga nu'ng kasama pa namin 'yung mom namin,” aniya.

Tinanggap nina Rodjun at Dianne ang kanilang “greatest blessing” nang isilang si baby Joaquin noong September.

Anila, answered prayer ang pagdating ni Joaquin sa buhay nila.

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina)

Kapansin-pansin naman ang pagkagiliw ng proud parents sa baby nila dahil puro picture nito ang makikita sa social media accounts nila.

Ayon pa kay Dianne, kamukha raw ni Joaquin ang tatay ni Rodjun.

“Love you anak. Carbon copy of Rodjun's Dad (His Lolo Rodolfo 'Rudy'),” caption niya sa isa sa kanyang mga post.

Sa ngayon ay pinagsasabay ng couple ang kanilang pag-aalaga sa kanilang baby at pagtatrabaho. Work from home ang setup ni Dianne habang si Rodjun naman ay nakapupunta na sa studio para sa tapings ng ilang show kung saan siya guest.

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina)

Silipin ang adorable photos ng kanilang pamilya sa gallery na ito: