What's on TV

Christopher de Leon at Ruru Madrid, gaganap bilang mag-ama sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published December 29, 2021 6:57 PM PHT
Updated December 28, 2022 1:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Chrisopher de Leon in MPK


Bibida sina Christopher de Leon at Ruru Madrid sa '#MPK' episode na may kinalaman sa isyu ng mental health.

Bibida sa episode na pinamagatang "Sa Ngalan Ng Anak: The Fidel Madrideo Nacion Story" sina veteran actor Christopher de Leon at Kapuso Action Prince Ruru Madrid.

Christopher and Ruru on MPK

Gaganap si Christopher bilang Fidel, isang butihing ama sa kanyang limang anak.

Katuwang ang kanyang asawang si Merlita, karakter ni Bing Pimentel,
pagsisikapan ni Fidel na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.

Dadaan sa matinding pagsubok si Fidel at kanyang pamilya nang magkaroon ng isang mental illness si Ryan Jay, ang karakter ni Ruru.

Hanggang saan ang kayang subukan ni Fidel para mapabuti ang lagay ni Ryan Jay?

Kasama rin sa episode na ito sina Shaira Diaz na gaganap bilang kaklase ni Ryan Jay na si Ellen at Mikoy Morales na gaganap bilang kapatid ni Ryan Jay na si Lionel.

Bukod sa kanila, kabilang din sina Dave Duque bilang Michael, Shanicka Arganda bilang Sherlyn at Jeremy Sabido bilang Aldrin, mga kapatid ni Ryan Jay.

Huwag palampasin ang episode na "Sa Ngalan Ng Anak: The Fidel Madrideo Nacion Story," ngayong Sabado, December 31, 7:30 p.m. sa #MPK.

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: