
Muling pinatunayan nina Chuckie Dreyfus at kanyang non-showbiz partner na si Aileen “Yen” Bayani na mayroon talagang true love sa kanilang latest intimate event together.
Sa post ni Chuckie sa kanyang social media accounts, ibinahagi ng aktor ang photos nila ni Yen na kuha mula sa kanilang renewal of wedding vows.
Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng kanilang 25th o silver anniversary.
Makikita sa photos na kung saang simbahan sila ikinasal ay doon din sila nag-renew ng kanilang vows para sa isa't isa.
Pinangunahan ito ng isang pari at nakasama nila sa intimate event ang kanilang dalawang anak na sina Ralph at Ella.
RELATED CONTENT: Chuckie Dreyfus's sweetest moments with Aileen Bayani, the 'keeper of his heart'
Sulat ng aktor sa caption ng kanyang post, “In a time when the world feels a little heavy, we chose to pause, pray, and give thanks… “
Kasunod nito, inalala niya ang special moments nila sa mismong simbahan kung saan sila ikinasal.
“25 years later, we found ourselves back in the same church holding the same promise; just deeper, quieter, and more certain.”
Dagdag pa ng aktor, “Grateful for a love that has endured, for our children who make everything more meaningful and for the grace that continues to carry us through.”
Ang lovely couple ay ikinasal noong 2001.
Samantala, si Chuckie ay kabilang sa star-studded cast ng recently concluded GMA series na Hating Kapatid.
RELATED CONTENT: "I still do": Celebrity couples who renewed their wedding vows