
Nitong August 7, ipinagdiwang ni Chuckie Dreyfus ang kanyang 50th birthday.
Si Chuckie ay kabilang sa star-studded cast ng award-winning medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap.
Ilang araw matapos ang mismong petsa ng kanyang birthday, may pahabol na sorpresa ang kanyang co-actors sa serye.
Sa isa sa posts ni Chuckie sa Instagram, mapapanood kung paano nangyari ang birthday surprise na inihanda ng buong team para sa kanya.
“Aww, may pa-birthday surprise na naganap sa set…Salamat #AbotKamayNaPangarap fam,” sulat ng aktor sa caption ng kanyang post.
Pahabol pa niya, “Da best talaga kayo. Labyuuuuuuuuu all.”
Napapanood si Chuckie sa hit series bilang si Doc Ray Meneses, isa sa mga doktor na bilib sa pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn, ang role ni Jillian Ward.
Si Doc Ray din ay kaibigan ng ama ni Doc Analyn na si Doc RJ (Richard Yap).
Patuloy na tumutok sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.
Maaari n'yo ring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap dito.