
Malaking bagay para sa mag-asawang sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano na mapanood ang kanilang paboritong banda na Incubus.
Nasa Manila ang American rock band bilang bahagi ng tour ng kanilang bagong album. Masaya ang Kapuso actress na mapanood sila kasama ang kanyang mister dahil dream-come-true raw ito.
Kuwento naman ni Kean, mahalaga raw ang banda sa kanilang buhay.
Aniya, “We met our favorite band in the world Incubus! C’mon we named our daughter after an Incubus song.”